kapag tumigil na ang pintig ng aking puso at itinikom na ng tuluyan ng mga nagmamagaling ang aking bibig.

May limitasyon ang pagmamahal na maari kong ibigay.
kung alam kong sapat na. tama na. huwag na ipilit pa.
pero bakit ko ba kailangan bigyan ng hangganan ang aking pagmamahal kung kapalit lamang nito ay araw araw na pagluha at pagiisip ng kalungkutan?
mabuti nang masaktan kung ako naman ay nasisiyahan.
hindi naman maaaring masaya lamang habang nagmamahal hindi ba?

alam kong alam mo ang tinutukoy ko.
ang pagmamahal sa iisang tao.

ngunit kung iyong titignang mabuti, hindi ako nagmamahal ng iisang tao.
minamahal ko ang mga taong higit na nangangailangan ng atensyon mula sa mga katulad ko.
mga taong may sapat na kaalaman sa kung anong kalagayan ng mga naapakan ng iba.

may hangganan ang aking pagmamahal.

kapag tumigil na ang pintig ng aking puso at itinikom na ng tuluyan ng mga nagmamagaling ang aking bibig.

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on pinterest
Pinterest
Share on email
Email

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *