Hola mga tita! Isang linggo na naman po ang dumaan at ngayon lang po tayo nagkaroon ng extra time mag-blog. Alam nyo na, tanggap lang ng tanggap ng work kahit patong-patong na sila. Haha!
So eto na nga. May bagong bukas na KTV malapit sa amin! Malapit as in mga apat na kembot lang mula sa bahay. G kami agad nung soft opening. Kasama ko yung mga tita nyong mahaharot na itago nalang natin sa pangalang ate, ditse, bunso. Di ko sinasabing mga kapatid ko to, pero sige na nga bilang wala naman akong choice.
Hulaan sino ang di mahal ni Mama. Charooot!
Pamilya kami ng mahihilig kumanta pero iilan lang yung nabiyayaan ng magandang boses. Okay narin kasi naniniwala akong hindi lahat binibigay ng Diyos. Haha! Luh. Nawala na naman yung kwento. Yung La Musique KTV ay nasa S Cube Building sa Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Yung bagong tayong building beside Doña Pilar Homes tsaka nasa tapat ng Red Oil gas station yun yung S Cube. Pwede ding S Square. Di ko talaga sure kung S Cube o S Square. Itatanong natin yan sa may-ari. Soooobrang lapit din sa San Miguel Brewery kaya di ka maliligaw.
P100/hour/per head sila. Minimum of 4 pax. Consumable yung buong rate na P400 so parang libre na yung KTV room. Ang mura diba? Meron silang 6 rooms and they can accommodate up to 20 pax per room. If you want to extend your stay, same rate pa din and of course consumable ulit. Kung ayaw nyo ng consumable, pwede parin naman kayo mag-extend for only P50/hour. Click here to know more about their rates. Check nyo din FB page nila from time to time kasi may promos sila like nung February 15 meron silang Buy 5 Take 1 sa lahat ng beers nila.
My sister La Bulakenya posted a video of La Musique KTV showing one of their rooms on her page. Here it is: https://www.facebook.com/watch/?v=2127412783993756
The video was taken nung soft opening so I am pretty sure marami nang ganap at improvements. Masarap yung food nila. Walang halong biro. Tuwang-tuwa kami ng kapatid ko sa cheesesticks. Meron pala kaming #foodhack. Yung sisig nila masarap ilagay sa nachos. Hehe. Try nyo.
No smoking sila so pwedeng-pwede sumama ang mga bagets at forgets. Malawak din ang parking nila, less hassle sa mga may dalang sasakyan. Along the highway din sila kaya hindi mahihirapan yung mga commuters. Perfect for barkada and family bonding. Excited na ko dalhin mga pinsan ko dito kasi for sure mageenjoy kami at hindi na mag-iisip na baka ipabaranggay kami ng kapitbahay sa sobrang ingay namin. Hahaha!
Tuwang-tuwa talaga ako nung nalaman kong may KTV na dito sa amin. Aayain ko yung mga kapitbahay namin na panay videoke kahit past 10 pm na. Haha!
Masarap ang food. Masaya mag-videoke. May aircon. Mura. Madali puntahan. Negative comment? Hmmm. Wala naman. Okay na okay sakin. Feeling ko kahit mga estudyante afford nila kasi P100 per head lang. 🙂
Operating Hours: (closed on Mondays)
Tuesday to Thursday – 5:00pm to 12:00am
Friday to Sunday – 5:00pm to 2:00am
Address: S Cube Building, unit #2D, Cagayan Valley Road, Sta. Rita, Guiguinto Bulacan
Facebook Page: La Musique KTV
Contact Number: +63929 959 4290
Email Address: lamusiquektv@gmail.com