Mashiso Korean BBQ is located at Sterling Square, Brgy. Iba, Meycauayan, Bulacan 3020. They are offering unlimited korean bbq with up to 10 (ten) varieties of unlimited side dishes, rice, and soup. No time limit! Yass!
This samgyeopsal joint is managed by Johanna Joyce Abanilla. Family business daw nila ito so you can expect na may personal touch kasi palagi syang nandito. Rest assured na quality lahat yung sineserve nila. We were able to visit their kitchen after kumain at grabe ha kasi sobrang linis tsaka laki. Hands down ako sa kitchen staff nila kasi ang ganda nung cut nung meat nila tapos mano-mano lang nila hinihiwa. Walang halong echos pero yung meat kasi nila hindi makapal, hindi rin manipis. We don’t order chicken kapag samgyupsal kasi we want to get our money’s worth. TIP #1, never order chicken. Pork and beef lang. Why? Kasi mas mahal yun. Pero alam nyo yung chicken dito sa Mashiso Korean BBQ ay grabe ang lambot! Thigh part pala gamit nila kaya madali nguyain. Huhu. Sana all.
Yung cheese pala na sineserve nila ay gawa lang ni Johanna. Ang sarap! Galing no? Favorite ng tito nyo yung kimchi. Parang naka 4x refill kami. Haha! Ako naman love love love ko ang marinated meats nila kasi hindi lasang tocino. Haha! Pero seryoso, masarap talaga tsaka ang perfect nung cut nung meat nila. #knifeskillslvl1000
Andami nilang sides na di ko kilala. Huhu. Usually kasi diba kimchi, fish cake, radish, tsaka toge lang naman ang available sa mga samgyeopsal dito sa atin. Pero wag kayo! Meron silang crackers, vegetable tempura, scallion salad, yung matamis na dilis na may halong mani (myeolchi bokkeum daw yun), tapos minced beef na may baguio beans (gyeran mari naman yun). Ayy bet! Tao na ako. Dami ko na alam na korean side dish. Haha!
Meron din silang mga ice cream. Tandaan mo na kahit gaano ka kabusog, kelangan mo ng dessert. Haha! Oo nga pala, yung mga Nestle employees may libreng ice cream pag nag dine in sila. Sana all.
Eto pala yung menu nila. No time limit sila. Pwede ka matulog muna kung pagod kana ngumuya tapos gising ka nalang kapag gutom kana ulit. Charoooot!
Ang liwanag nung lugar kasi puro glass sila. Kita mo mga pics mo? No filter yan lahat. Bet na bet umawra at magselfie habang sumusubo ng lettuce na may beef.
Sobrang lawak ng parking. Andun sila sa second floor. Kita mo?
Masarap. Malasa. Sakto ang kapal ng meat. Umuwi kaming hindi nag-amoy ulam or usok. Magic? No time limit. Dalawang kembot lang sa Meycauayan exit sa NLEX. From Guiguinto to Mashiso parang wala pang 30 minutes. Pasok sa Top 5 favorite samgyeopsal joints ni Pinay Mama. 🙂
Store Details:
Address: 2nd Floor Sterling Square, Brgy. Iba, Meycauayan, Bulacan 3020
Facebook Page: Mashiso Korean BBQ
Contact number: 0942 565 4338
Hours: Monday to Sunday; 11:00 am -10:00 pm