Wedding is one of the most important event in your life sabi ng marami. Some couples are preparing for a year or two to make it super special. Some prefer intimate while others prefer grand wedding.
I won’t be discussing too much of private life here but I want you to know that we decided to get married nung Lazada Sale 12.12 last year. It was our 12th year anniversary so sabi namin baka ito na yung tamang time. Hehe
We chose civil wedding, nagpakasal kami kay Mayor sa opisina nya. Hindi kami nagpakasal sa simbahan, sa pastor, or kahit saan that has something to do with religion. Some might say na kelangan sa simbahan magpakasal para may basbas ng Panginoon, I respect that but we have different views in life.
Civil Wedding Requirements
- CENOMAR
- BIRTH CERTIFICATE
- VALID IDs
- SEMINAR
Ang CENOMAR or Certificate of No Marriage Record ay nirerequest sa PSA. Nagrequest ako online sa https://nsohelpline.ph/. P465.00 ang isa. Bale P930.00 kapag sa inyong dalawa ang oorderin mo.
Ang Birth Certificate kelangan NSO copy. Same procedure lang sa CENOMAR. Nagrequest ako online sa https://nsohelpline.ph/. P365.00 naman ang isa. Bale P730.00 kapag sa inyong dalawa ang oorderin mo.
Ang mga valid id usually ay yung mga government-issued IDs na may pirma. Passport, driver’s license, UMID, postal id, etc…
Bago magpakasal ay kelangan mo muna um-attend ng seminar sa munisipyo. Tuwing Wednesday ito ginagawa sa amin sa Guiguinto at nagtatagal ng kalahating araw. Marriage counseling ang tawag dito. Dito pag-uusapan yung tungkol sa family planning, love languages, possible na pag-ugatan ng pag-aaway ng mag-asawa.. Crash course ito ng pag-aasawa. Pero dahil 11 years naman na kami nagsasama, alam ko na yung mga sinabi dito. Haha.
Meron pa kaming ibang minimal fee na binayaran. P650.00 para yata sa seminar fee tapos meron pang iba na tag P20.00. Hindi ako sure kasi busy ako mag fill up ng form, mahaba at mahirap i-spell ang pangalan ko kaya prone ako sa typo errors. Mga less than P1,000.00 siguro yung binayaran namin sa munisipyo.
Magdala na kayo agad ng mga photo copy ng valid id at birth certificate nyo para hindi na kayo magpaphoto copy pagdating nyo. Iwas hassle tsaka extra gastos din kasi yun.
Hindi naman mahal magpakasal. Mahal magpa-annul kung kaya lagi mong tatandaan na ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iyo na lamang iluluwa. 🙂
One Response
Hi. I’m also planning to have a civil wedding in Bulacan. May I ask if is it possible to have a civil wed in Malolos though my birth of origin is in Guiguinto? Your help is very much appreciated. Thank you.