Pinay Mama

Ako si Fibi, bunso ako sa unang pamilya. Puro kami babae, ako na lamang at ang half- sister ko ang nag-aaral pa. Kasalukuyan akong kumukuha ng kursong BSS major in Social Anthropology minor in Psychology sa Unibersidad ng Pilipinas- Baguio. Tyamba ang pagkakapasa ko sa UPCAT(University of the Philippines College Admission Test). Sinong makakapagsabi na sa tamad kong magrebyu at pagkainggit sa mga kaklaseng mageeksam sa U.P ay papasa ako? Wala. Himala ang tawag dun. Pwede din namang andito sa Baguio ang ‘calling’. Baka dito ko dapat magsilbi at magparami ng aking uri. Dahil nga hindi naman talaga ko aware sa kung ano ba yung ginawa ko, tinanggap ko nalang. Pinili ko ang BS Biology bilang unang kurso ko sa pagpasok sa U.P hndi dahil sobrang magaling ako sa Biology. Medyo lang. Madalas ko lang naman ma-perfect yung quizzes ko kay T. Art. Pinili ko yun dahil yun yung sinulat ng dalawa kong kaibigan sa application form nila. Malay ko bang duduguin pala ko sa kursong yon. Uulitin ko na naman, tyamba lang yon at dahil sa tyambang iyon e pinagawan ako ng nanay ko ng banner. Ikaw ba naman ang magkaroon ng anak na pumasa sa U.P at nagiisa lang na pumasa sa main at annex na school namen, hindi ka ba proud dun? Tsaka ako ang pinakaunang pumasa ng UPCAT sa angkan namin(sabi ng nanay ko). Dapat lang na matuwa sila. Pero di ko naman sinasabing ako na pinakamatalino. Medyo lang. Pinakamaganda,pwede pa. Anlaki nung banner tsong, tapos sa harap pa ng subdivision naming nakalagay. San ka pa? wala. Pinagawa niya yun sa isang bokal, para mas malinaw, pera ng isang bokal. Sakto lang dahil panahon ng eleksyon yon. Ayun na nga, tyamba nga. Antagal din  kasi ng school na ipagawa ako e. Alam ko namang mahaba at maganda ang pangalan ko, pero nauna pa yung nanay ko magpagawa. Da bes! Magrerequest pa sana ko na ilagay yung picture ko na edited ng adobe photo shop sa banner para mas sikat kaya lang nung sasabihin ko na sa adviser ko, gawa na pala. Dalawa para sa IMA main at isa para sa school namen. Sosyal diba? Pero sinunog daw yung isang banner ko sa main. Hindi ko alam kung bakit. Baka may galit sila sakin o concern lang na baka dumugin ako ng mga tao sa graduation. Akala nila ang talino ko kaya maraming banner. Ayos! Nakakatawa talaga. Nung third year hayskul ako, akala ko kailangan ko pang kumonsulta sa albularyo para lang matupad yung pangarap ko na mailagay yung buong pangalan ko sa banner. ALL CAPS at may congratulations. Hindi na pala kailangan. Orayt! Dahil sa insidenteng iyon, feeling ko dun nagsimula lahat ng super problema at kasiyahan ko sa buhay.

Isa akong frustrated writer, lover, dancer at friend. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para maging frustrated. Basta alam ko madalas akong ma- frustrate. Marami na akong naisulat sa papel, blue book, typewriting, kartolina, manila paper at kahit sa mga pader pero hindi ito naging daan para maging regular akong writer sa Outcrop. Marunong ako, oo. Pero tamad ako. Maraming gawain ang dapat ko ng simulan pero mas gusto ko itong titigan at magpapa-awa na lamang sa kung sino man ang makakita sa akin.

_____________________________________________________

I made this piece during my first year in college. Yes, I am a frustrated writer but now I am blogging for a  living. I am not aware that things will be like this. I never picture this kind of life before. I thought I’ll be single and partying until the age of 27 but I was wrong. I am now a super mom to my one and only Elijah. I am now giving a life to a wonderful child and shares three fourth of my computer screen just to make sure he is having fun watching educational shows while I am blog hopping, Facebook-ing, ghost writing, adgitizing and blogging. I am a twenty year old responsible mom to him and I know I am because he’ll never grow this way without my supervision. He can now counts from 1-16, says the alphabet clearly, can recognize things that most children of his age can’t.

I am proud of myself and family. I am happy that I am able to be a part of a mommy community that helps me more than I expect.

This was me:

This is me:

My blogs where you can bore (bored?) yourself more:
Elijah’s Crib
My Blissful Life
Baguio Food

This sounds boring but, I thank you.

Facebook
Twitter
Pinterest
Email

43 Responses

  1. Hi Phoebe, How old na is your son?He must be a really smart boy.(he’s probably gifted. I asked it because my daughter at the age of two also knows how to identify the letters in alphabet.

    I’m visiting from WBFC 9. See you around.

  2. I love reading your Tagalog post. Parang gusto kong sabihin na more, more! Mukha ka pa rin bata, teka, tama ba basa ko you’re only 20? Kudos to you, not all young mothers are as responsible as you. I visited your baby’s blog. He’s so cute and you look so young, parang magkapatid lang. I sometimes wished na nagka-anak ako ng bata para bagets na bagets ang mommy ni Una, but I was not yet ready then kaya rin siguro hindi nakabuo, hahaha!

    know more about me here: wbfc: who is gene?

  3. very fun read, reminds of the articles i used to read in the UP college paper (which i borrowed from my bro, since d naman ako dun nakapag-aral) cool!
    you looked like a “nene” in your photo!
    nice to know a bit of you, Phoebe, and looking forward to knowing more in your future posts. regards to little elijah!
    doing my late rounds of wbfc bloghoppin’^^
    mumwrites
    jared’s little corner

  4. Hi Phoebe! Ang lalim ng tagalog mo, pinagpawisan ako dun, hahaha, pero galing, I can never write in tagalog like that, very impressive.. 🙂

    How old is your son? I have a 3 year old, want to set up a play date? I am so happy to have met another blogger who hails from Baguio.. 🙂

    Anyway, followed you through GFC, hope you can follow me back. My WBFC entry is here.

    See you around the blogosphere! 🙂

    XOX,

    Ane of Life According to Me

  5. walang tsamba na nakakapasa sa UP sis, matalino talaga ang pumapasa sa UP (iska din kasi ako haha)

    followed, would love to see you at my ONLINE JOURNAL & my soltero babyu

  6. hahaha. akala ko iyon na yung pagpapakilala mo, pasakalye pa lang pala. i enjoyed reading it, sis. it’s nice to finally see the face of the young author behind this blog. i am already your follower.

  7. Hi Pheobe, I love your mala sophisticated mong adlib hehe. Nag enjoy ako basahan ang post mo dear and i think you are the youngest blogger I have know so far. Ikinagagalak kitang makilala fibz, aya close na tayo kasi nakiki fibz ako with z pa yan

  8. wow, nag-enjoy ako ng husto sa pagbabasa ng makata mong entry, hehe. Di ko kaya ang straight tagalog mo, wow!!

    UP-Baguio ka din pala, my hubby studied there also for 2 years and took up B.S.Biology too kaya lang he had to transfer to Manila kasi di kinaya ang blood and dissection, kaya yun napunta sa AB Political Science… hehe layo noh!

    Anyways, love love reading your bubbly posts. Im already a follower in GFC by the way. See you around!!

    Hope you visit my entry here, leave some sweets and follow me too. Have a great week!
    I Love Darly!
    Food and Passion

  9. hello fibi (hihihi),

    ang kulet mo ha. sayang nasa baguio ako last month, sana nabisita kita hehehe!

    anyway, nice meeting you dear!

    divine’s memoirs
    the journalistic view
    giveaways and bloghops

  10. I so LOVE your entry! Very unique! You certainly can write. You are a young mom and I share the same feeling when you said that you thought you’d be single and partying until the age of 27. I still try my best to cope up with my friends once in a while but we know that being a mom comes a lot of responsibilities…

    Following you through wbfc! Happy blogging!
    ============================
    Mars @ The Life Encounters

  11. hi sis! how young are you? you look so young kasi parang dalaga lang…hehehe! im your avid follower of your lovely blog here. take care!

  12. ay sus! okay lang yan pibs! naks feeling close eh no?..wala talagang makapagsasabi kong ano ang mangyayari sa atign bukas..

    lets just enjoy being mommies..

    visiting from WBFC.old follower na ako..hope you could visit and follow mine..thanks!

  13. nyahaha.. naala-la ko tuloy si bob ong sa post mu… It’s Ok fibi… wala kang maisulat na ganito kung wala kang experience na ganyan.. hahaha… great writers passed through hardest times.. lol… thanks for the drop.

  14. Hoy Pibyang!

    Kwela ka talaga. Naaliw ako sayo ng husto. Ipagpatuloy mo lang ang mga pinagagawa mo at yayaman ka in no time. Kung kailangan mo ng tulong, mag ask ka lang.

  15. hi poebe nice to see you again thanks for the visit…cool ka lang lagi ha wag init ulo hihi.
    buti ka pa nakapasa sa upcat ako kasi hindi nag-apply jan hehehe pero yung college din namin need din ng entrance bago makapasok pero siguro ibang level naman ang upcat…

    happy blogging and thanks for replying all my queries

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *