Inggitera Ako. Ikaw Ba?

Hello! Kumusta kayo? Sobrang tagal ko nang hindi nakakapagsulat dito sa blog. Ang dami-daming bagong nangyari sa buhay namin at gusto kong i-share sa inyo yun lahat. Sana ay sipagin ako. Hehe.

Dalawang klase ng inggit. Kaninang umaga pag gising ko may nabasa ako sa Facebook. Huwag daw magfocus sa kung anong meron ang iba. Magfocus ka daw kung anong meron ka. Feeling ko related naman ito sa inggit at naisip kong okay lang naman mainggit. Ayun. Dito na papasok yung dalawang klase ng inggit.

Ako, madalas akong mainggit. Gusto ko kasi ng magandang buhay. Dati, naiinggit ako doon sa mga may malalaking bahay dahil growing up e nagrerenta lang naman kami. Wala kaming matinong water supply, walang magandang cr, naranasan din namin yung wala kaming kuryente ng ilang buwan. Mahirap ang buhay, oo, kaya madalas ako mainggit. Naiinggit din ako noon sa mga may kotse, hindi lang isa kundi dalawa mga kotse nila. Samantalang kami jeep, tricycle, uv express, at bus lang ang mode of transportation namin. Nakakainggit yung mga madalas magtravel sa ibang bansa. Paano kaya nila naa-afford magtravel? Kami kasi pambayad palang sa bills di na namin alam paano pagkakasyahin e. Mapapasabi nalang talaga ako ng SANA ALL.

Sa lahat ng inggit na naranasan ko, ang laging katuloy nyan ay “Magkakaroon din ako nyan. Mararanasan ko rin yan. Not now pero soon.”

Naiinggit ako pero ginagawa ko silang inspirasyon. Balang araw magkakaron din ako ng magandang bahay. Balang araw matututo din ako magdrive at maipagdadrive ko ang mga kapatid ko sa malayo. Ganyan ang mindset ko. Naiinggit ako kaya mas ginagalingan ko pa sa buhay. Inggit na walang kasamang bad vibes.

Yung isang inggit naman ay masama. Naiinggit ka sa kung anong meron ang ibang tao kung kaya chismis dito, chismis doon ang ginagawa mo. Nagkukwento kana sa mga kaibigan mo na may halong bitterness. “Naku, ‘yang si ano ay nakapangasawa lang naman ng mayaman”. “Di naman maganda yan dati, nagpagawa lang yan ng ilong, etc.”.

Siguro nung bata ako mahilig akong maiinggit na may halong galit.
Siguro – kasi hindi ko na matandaan. May trait kasi akong auto kalimot kaya wala na akong masyadong maalala. Hehe.

Napakabigat sa kalooban yung inggit. Nagko-cause yan ng napakalaking problema sa buhay, number one ay yung utang. Inggit ka e, so kelangan mo sumabay sa kanya o dapat mas mataas ka. Inggit ka e, so kelangan siraan mo sya sa ibang tao para ikaw na yung mabuti, ikaw na yung magaling. Diba? Ganun naman madalas?

Napakahirap tanggalin ng inggit sa katawan pero hindi mo naman kelangang mainggit at mainis o magalit. Wag nalang natin tanggalin yung inggit. Sige. Palitan nalang natin ang mindset natin. Yung inggit ay gawin nating inspirasyon. Gawin natin itong daan para magkaroon ng magandang buhay. Biruin mo plus points kana sa langit, plus points kapa sa sarili mo dahil magagawa mong pagandahin ang buhay mo. O diba?

Facebook
Twitter
Pinterest
Email

2 Responses

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *