TIPS: How to Get a FAST AUTO Loan Approval as a Freelancer without ITR

How to get a car loan approval as a freelancer with no ITR? Is it possible to get a car loan approval as a freelancer with no ITR and coe? Ang sagot ko jan ay..

OPO. It is possible to get a car loan approval even if you are a freelancer with no ITR.

Let me share with you what I did to get a car loan approval from Honda.

Marami nang agent ang nag turn down sa application ko dahil wala daw akong stable source of income, wala akong ITR, at mukha akong walang pera. CHAR. Pero totoo yan, minsan talaga depende sa hitsura mo kung gusto ka nila i-assist or hindi. Haha!

Year 2015 nung una kaming nangarap na magkaroon ng sasakyan. Nagpasa ako ng application form sa Mitsubishi pero after that walang ni ha ni ho akong narinig sa agent. Walang follow-up. I was earning P30,000 back then. Sabi ko baka maliit yung kita ko. Baka rejected kasi nagrerent lang kami. Baka kelangan may ITR. Ang daming BAKA na pumasok sa isip ko pero hinayaan ko na kasi baka hindi para sa amin.

Year 2016 we were able to get a second hand Hyundai i10. Sasakyan ito ng kapatid ni jowa, mag a-upgrade na sila ng sasakyan kung kaya kinuha na namin yung luma nila. 4 yrs palang pala yung i10 so okay pa sya. Ginamit namin yung i10 for two years. Nakapangalan yung sasakyan sa papa ni jowa and hindi na namin pinalipat sa amin yung pangalan kasi matrabaho pa yun.

Year 2017 nung lumabas ang Suzuki Vitara. Ang ganda! Nagpasa ulit kami ng application form pero pina-cancel din namin. Di ko alam kung bakit. Haha!

Year 2018 sumugal kami ulit ng pag-apply ng car loan. This time sa Honda na. Binenta na din namin yung i10 na walang kasiguraduhan kung maa-approve ako sa auto loan sa Honda. Yung napagbentahan ang ginamit namin pambayad ng downpayment. You do note that my car loan was approved and not peyyk!! CHAR. Mixed emotions dahil una may babayaran na akong monthly sa sasakyan for 5 years at pangalawa after ilang try ay na-approve din ako sa inaasam kong utang. Chaaaar!!

Requirements:

  • 3 months bank statement (latest)
  • Certificate of earnings
  • Proof of billing
  • Valid government ID

YAN LANG. Yan lang hingi sa akin at pinasa ko. Bank statement na January to April 2018, passport, UMID ID, certificate of earnings from Upwork, water bill na walang pangalan ko pero may address ko at bill ng Globe broadband na P1,878.93 ang total due na isang buwan palang nakakabit. Haha!

Dalawa lang tumawag sakin na banko. PSBank at yung isa na hindi ko na matandaan. Isa lang nag CI sakin na banko, PSBank.

Approved ako sa PSBank ng Honda Jazz RS a day after mag CI sa bahay. Pero walang stock ng RS at gusto na namin makuha agad yung sasakyan kung kaya nag downgrade kami sa Jazz VX Navi CVT. Hehe.

Paano ako na-approve sa car loan?

  • Dasal
  • Maraming dasal
  • Mahabang pasensya
  • Magaling na agent
  • May parking space
  • Own house (mortgaged)
  • Good credit history
  • Monthly income of 4x – 5x ng gusto mong sasakyan
  • Do not avail the all-in promo
  • Always go for 20% pataas na downpayment

Yan lang yung sa tingin ko ay dahilan kung bakit ko napa-OO ang PSBank. Wala akong utang bukod sa Pag-ibig housing loan na kaka-approve lang din 6 months before ako nag apply ng car loan.

You do note na approved ang loan ko na walang co-maker. Dasal lang talaga mga sis. at hard work pala para lumaki yung income. CHAR. Importante ang source of income. Malaking factor na matagal ka na sa freelancing world like 3 to 5 years para ma-approve ka lalo na kung wala kang ITR at certificate of employment. You can PM me para sa name at Facebook account ng agent na nag process ng application ko.

If you are planning to apply for a car loan, please make sure you have a parking space and you can pay your monthly amortization on time.

Masarap magkaroon ng kotse pero mas masarap yung may peace of mind tayo na secured ang car sa loob ng garahe at may pambayad tayo monthly. 🙂

Facebook
Twitter
Pinterest
Email

3 Responses

  1. Hello thanks for sharing this to us. May question lang po ako about sa pag-ibig, paano po kayo na approved as freelancer ? Ano po ang mga requirements?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *